I do. Do you? Haha.
Last Tuesday, nakiusap samin ang soon-to-be kapitbahay namin na makikikabit sila SANDALI ng kuryente kasi may aayusin sila sa ginagawang bahay nila. And since gusto namin makatulong at ayaw naman namin masabihan na madamot, ok go. Tinuro ko sa kanila yung plug sa labas ng bahay namen. And then sabi ko aalis kami ng bahay kasi lagi kami nasa shop at si nanang lang ang naiiwan sa bahay.
Kahapon, whole day kami wala sa bahay. At kanina ko lang nalaman na nakisaksak pa rin pala sila kahapon whole day, tapos nung tuesday whole day din, tapos kanina, pag gising namin, nakasaksak na agad sa plug at take note, wala nang paalam paalam.
Ok lang sana kung charger lang ng cellphone yung ginagamit nila dun. Pero no, drill at ceramic cutter ang ginagamit nila.
Kumusta naman yun.
Although naniniwala naman ako na may hiya at delicadeza yung may-ari, yung mga gumagawa lang ang wala.
Actually, naniniwala talaga ako na kahit papano, lahat ng tao may hiya parin. Ewan ko lang if that’s a good thing or not.
Ah basta, naiinis ako. Haha.