Nakakaasar
- Pag hindi pa rin alam ng customer hanggang ngayon kung pano mag on ng avr at cpu.
- Pag nag SOS call sila na kala mo end of the world na, “ATE ATE NAWALA!!!” pero alt-tab lang pala ang solusyon. Napindot pala nila yung windows key habang naglalaro ng crazy kart.
- Pag nagtatanong kung bakit may charge yung bluetooth transfer pag galing sa cp nila papunta sa laptop ko. Aba kung may sarili kang bluetooth adaptor, isaksak mo sa cpu. Pero dahil wala, at laptop ko gagamitin mo, neng wala nang libre sa mundo.
- Pag pati pag gawa ng yahoo mail/friendster ay itatanong pa sayo.
- Pag pati password nila sayo pa tatanong. Aba naman.
- Pag hindi makapag register dahil “invalid email” kala nila computer ang may problema.
- Pag pati pag edit ng ipiprint na document iaasa pa sayo. At pag naprint mo ng di mo ineedit, tapos mali pala formatting, ako pa may kasalanan. Aba neng, taga print lang ako. Five pesos pag edit ko yan.
- Pag pati kabagalan ng smartbro sa bahay nila ikukwento sayo kahit na alam naman niya na super daming tao at busy ka sobra.
- Pag nakita naman na kumakain ka tapos tatawagin ka para lang mag save ng document sa My Documents.
- Pag inabot ka na ng 15 minutes kakaremind sa kanila na time na sila tapos pag siningil mo ng extra 5 pesos para sa extension, magtataka.