I trust in God’s will.
Dito kami natulog ni Bob sa shop kagabi, we figured it’s the best to do since nanakawan na nga kami ng phone, baka bumalik pa para iba naman ang kunin.
And then I asked him, “Is this worth it? Yung halos ipain naten sarili natin dito sa shop, parang hinihintay lang natin na dumating sila, anong laban naten?”
Nagulat din ako kung bakit ko nasabi yun. Siguro I was scared. I AM scared. Hindi ko lang mapakita. Natatakot ako na baka bumalik yung taong yun. Natatakot ako na baka next time, hindi lang basta ganun yung gawin niya. Natatakot ako kasi hindi ko alam yung gagawin ko kung makita ko siya ulit.
I couldn’t sleep last night, kahit na sobrang pagod na ng katawan ko. Everytime I close my eyes, nakikita ko yung mukha nung lalake at kung pano niya kmi niloko.
It’s rather disturbing, I keep telling myself there’s nothing to be afraid of. Pero it’s there, I just can’t deny it by myself.
This morning when I woke up, I said a little prayer, I asked God to erase the fear. I know he would…
I trust in His Will.